Muling nakakapagtala ng magkakasunod na matataas na heat indices ang PAGASA Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan.
Noong mga nakaraang araw, nakapagtala ang kanilang tanggapan ng 38-degree celsius hanggang 42 degrees celsius.
Kahapon, araw ng miyerkules, oct. 18, umabot sa 43°c ang naitalang heat index bandang alas dos ng hapon kung saan itinuturing itong nasa danger category.
Kaugnay nito ang ilang kaso ng mga sakit tulad ng sore eyes at influenza-like illnesses na nakitaan ng pagtaas ng mga nakararanas nito lalo na at pabago-bagong panahon ang nararanasan ngayon.
Matatandaan na umabot sa mahigit anim na libo sa Region 1 ang naitalang nakaranas ng influenza-like illness o nakararanas ng pag-ubo, sipon at pananakit ng katawan.
Pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa mga panahong ito dahil posible rin ang mga kasong heat exhaustion at heat stroke. |ifmnews
Facebook Comments