Matataas Na Kalibre Ng Armas, Nakumpiska Sa Muling Paggalugad Sa New Bilibid Prisons

8

MANILA – Muling nakakuha ng matataas na kalibre ng baril ang mga awtoridad sa paggalugad sa New Bilibid Prison O NBP.Kabilang sa mga nakumpiska ang isang armalite at isang natitiklop na sub-machine gun.Ayon kay Bureau of Corrections Director Rolando Asuncion, nakuha ang naturang mataas na kalibre ng baril sa isang dormitoryo ng Maximum Security Compound ng NBP.Bukod dito, may nakuha rin aniyang isang armalite at isang 9MM pistol sa magkahiwalay na dormitoryo ng mga preso, at dalawang kalibre 45 na baril na nakita naman sa kisame ng NBP hospital.Sinabi naman ni Asuncion na ipasusuri sa firearms and explosives office at crime lab ang mga narekober na baril.Kasabay nito, tiniyak ng BUCOR na patuloy pa rin ang kanilang gagawing paggalugad sa bilibid dahil nasa 80 porsiyento pa lang ang nalilinis nila sa Maximum Security Compound.

Facebook Comments