Matataas na kalibre ng armas, narekober sa patuloy na clearing operations sa lungsod

Marawi City, Philippines – Nagsagawa ng clearing operations ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na sinakop ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay ARMM Regional Public Safety Battalion Commander, P/Ssupt. Marlon Tayaba – matapos ang operasyon, nakarekober sila ng sandamakmak na mataas na kalibreng armas at bala.

Bukod dito, nasamsam din ang mga kahon-kahong pampasabog at bullet proof vest at ilang kagamitang pang-komunikasyon tulad ng two-way radio.


Sinabi rin ni Tayaba – sinadyang isama ang mga media sa kanilang clearing operations para patunayang hindi sila nagnanakaw sa mga abandonadong bahay.

Isinailalim sa imbentaryo ang mga nasabat na armas at gagamiting ebidensya ang mga ito laban sa maute terror group.
DZXL558

Facebook Comments