Matataas na Kalibre ng Baril at Bala, Nasamsam sa Isang Kapitan- Arestado!

*San Isidro, Isabela- *Arestado ang isang Barangay Kapitan ng bayan ng San Isidro, Isabela matapos masamsaman ng matataas na uri ng bala at baril sa Brgy. Gud, San Isidro, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang alas sais kaninang umaga nang isilbi ang Search Warrant sa mismong bahay ni Brgy. Captain Reynaldo Hope, 48 anyos, residente ng naturang lugar na ikinasa ng magkasanib pwersa ng CIDG Isabela, 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company at ng PNP San Isidro.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Hope ang isang M16 Rifle, isang Caliber 45, isang Caliber 380, apat na magazine ng M16 rifle, 13 na short magazine ng M16 rifle, 307 na bala ng M16 rifle, isang magazine at walong bala ng Caliber 45, isang magazine at pitong bala ng Cal 380.


Nasamsam rin sa Kapitan ang isang magazine at labinglimang pirasong bala ng Carbine, limang bala ng Cal 9mm, dalawang piraso ng bala ng M203, isang bala ng Cal 50, limang basyo ng bala ng Cal 45, 22 basyo ng bala ng Cal 9mm, limang holster, isang bandoleer ng M16, isang magazine ng MP5, iba’t-ibang bahagi ng baril at isang replika ng Cal 45.

Dinala na sa CIDG Provincial Field Unit at sa IPPO ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments