Hinamon mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen Dionardo Carlos, ang mga matataas na opisyal ng PNP na dapat silang maging ehemplo ng isang professional na pulis sa lahat ng oras.
Ang hamon ay ginawa ng PNP chief, kasabay ng donning of ranks sa limang promotees kabilang ang isang two star general at apat na bagong heneral.
Ayon sa PNP chief, dapat gamitin ng mga ito ang kanilang mas mataas na ranggo para mapalaganap ang prinsipyo ng justice, integrity at accountability.
Kabilang sa mga bagong promote na mga opisyal sina Maj. Gen. Arthur Bisnar ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development at Police Brigadier Generals Rolando Destura (DRDA, PRO 12), Percival Rumbaoa (C, LOOP, OCPNP), Wilson Joseph F. Lopez (PA, WDC, DI) at Cesar DR Pasiwen (Ex-O, APC, NL).
Matatandaang una ang inihayag ng PNP chief na may mga matataas na opisyal ng PNP ang kaniyang binabantayan dahil sa sumbong na sila ay may kinakampihan at ikinakampanyang kandidato sa nalalapit na halalan.