Matataas na Personalidad ng Anakpawis, Kumalas sa Grupo

55

Cauayan City, Isabela- Naglakas-loob nang kumalas sa grupo ang apat (4) na miyembro na kabilang sa mga matataas na personalidad ng ANAKPAWIS sa Lalawigan ng Cagayan.

Nakilala ang mga tumiwalag sa grupo na sina alyas ‘Exto’, 63 taong gulang, Chairman, residente ng Manalo, Amulung; alyas ‘Jayper’, 49 taong gulang, organizer/coordinator sa bayan ng Amulung; alyas ‘Jaguar’, 54 taong gulang, Treasurer, party member at nakatalaga sa Organizing Department ng New People’s Army (NPA).

Ang pagbabalik-loob sa pamahalaan ng apat Anakpawis member ay sa tulong ng isinasagawang Retooled Community Support Program ng kasundaluhan sa mga piling barangay sa Lalawigan.


Napagtanto umano ng mga ito na sila ay nalinlang ng mga teroristang grupo at nagamit lamang upang hikayatin ang mga mamamayan na magalit din sa gobyerno.

Pinasalamatan naman ni MGen. Laurence E. Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang mga dating miyembro ng nasabing grupo dahil sa kanilang naging desisyon at ng mga kasundaluhan sa patuloy na pagsasagawa ng naturang programa.

Facebook Comments