MATATAG curriculum, aamyendahan ng DepEd

Aamyendahan ng Department of Education ang MATATAG curriculum na batay sa magiging karanasan ng mga guro at mag-aaral.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, bagama’t ipagpapatuloy ang paggamit ng curriculum ay posibleng baguhin pa ang revised study program kung makitaan ng mga dapat na ayusin.

Ikikonsidera rin aniya nila ang ilang taon na pag-aaral sa curriculum kaya hindi ito pwedeng ibasura na lamang.


Kukuha aniya ng mga inputs sa mga guro at mag-aaral para maplantsa ang mga dapat na pagandahin pa.

Noong 2023 ay inilunsad ng DepEd ang MATATAG curriculum para i-decongest ang kasalukuyang K-12 curriculum.

Sa ilalim nito, binawasan ang bilang ng mga kasanayan sa pag-aaral, maging sa pag-pokus sa literacy, numeracy, at soco-emotional skills mula Kindergarten hanggang Grade 10.

Facebook Comments