Suportado ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang bagong K-10 curriculum ng Department of Education (DepEd) na ‘Matatag’ curriculum.
Ayon kay Pangulong Marcos, makabuluhan ang ayusin ang naturang curriculum para maging akma sa pangangailangan ng batang Pilipino.
Kabilang din aniya dito ang pagsisikap ng pamahalaan na pagandahin ang mga international score ng bansa, lalo na sa mga STEM subjects.
Dagdag pa ng pangulo, bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na nagtapos ng grade 10 na mamili kung sila ay magbo-vocational, magte-technical training o kung tutuloy sa Senior High School (SHS).
Samantala, sinabi naman ni Vice President Sara Duterte na ang ‘Matatag’ curriculum ang magiging legasiya ng Marcos administration sa basic education ng bansa.