MATATAG CURRICULUM, UNTI-UNTI NANG INIHAHANDA; DEPED REGION 1, ISA SA NAPILING MAG-AAKDA SA MGA LEARNING MATERIALS

Sa school year 2024-2025 pa ipatutupad ang Matatag Curriculum na siyang ipapalit ng DEPED sa dating k-2-10 Curriculum nito ngunit ngayon pa lamang ay unti-unti nang inihahanda ng ahensya ang ukol sa paglulunsad nito.
Isa sa pinaghahandaan dito ay mga materyal na gagamitin para sa naturang curriculum kung saan napili naman ang DEPED Region 1 na isa sa mag-aakda ng mga learning materials na gagamitin para sa Matatag Curriculum.
Ayon kay Director, DEPED – 1, Tolentino Aquino, may mga piling guro at mga piling school administrators na ang sumasailalim ngayon sa training para mag-develop ng mga learning materials.

Hindi pa man ipatutupad ang naturang curriculum ay magkakaroon naman umano ng pilot testing sa ilang paaralan para sa nalalapit na pasukan at handa naman ang DEPED region 1 ukol dito.
Ang bagong curriculum na ipatutupad ay naka focus na lamang sa limang subjects na pinakatumututok sa Math at Reading ng mga mag-aaral mula kinder hanggang grade 10.
Samantala, aalisin na rin umano sa naturang curriculum ang mother tongue subject na siyang ikina-pabor ng ilang mga magulang at guro. |ifmnews
Facebook Comments