Saturday, January 17, 2026

Matatag na Oversight Committee na sisilip sa mga katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno, isinusulong ng isang senador

Iginiit ni Senator Loren Legarda ang matatag na congressional oversight committee na siyang sisilip sa implementasyon at paggastos sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Suportado ni Legarda ang pagbuo ng Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures na isang mahalagang reporma para matiyak na ang bawat piso sa national budget ay nagagastos na may integridad, transparency at nakalinya sa development priorities ng bansa.

Nais ni Legarda na regular na magsagawa ng pagtalakay ang oversight committee ng Senado at Kamara para sa pagtupad ng mandato.

Nilinaw naman ng senadora na hindi micromanaging ng mga ahensya ang gagawin ng oversight committee kundi nilikha ito upang sa gayon ang mga pondo na para sa ospital, silid-aralan, sakahan at kalamidad ay hindi mawawala nang dahil sa delay, pagkasayang, o maling paggamit.

Punto ng mambabatas, sa tuwing uupuan o hindi maipapatupad ng wasto ng mga ahensya ang kanilang pondo, magiging katumbas ito ng paghina ng performance ng gobyerno at direkta itong makakaapekto sa mga mamamayan.

Facebook Comments