Matatag na presyo at supply ng pagkain sa gitna ng kalamidad, tiniyak ng pamahalaan – Roque

49

Tiniyak ng gobyerno sa publiko na ang presyo at supply ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin at mananatiling matatag sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin at naaayon ito sa suggested retail price (SRP).


Nagbabala rin si Roque sa mga negosyanteng magsasamantala sa sitwasyon.

Ang sinumang lalabag sa SRP ay may kaakibat na parusa.

Sa ngayon, wala pang planong magpatupad ang pamahalaan ng price freeze.

Facebook Comments