Matatag na samahan ng Radyo Trabaho at Pasay PESO, mas pinagtibay

Nananatili pa ring matatag ang samahan ng DZXL Radyo Trabaho at Pasay City Public Employment Service Office (PESO) lalo na sa paglulunsad ng mga programang makakatulong sa publiko.

Ayon kay Filipinas “Rona” Rosario Sampang PESO Manager ng Pasay City, malaki umano ang naiaambag ng Radyo Trabaho sa kanilang mga programa partikular sa mga job fair program.

Dagdag pa ni Sampang na naging matagumpay ang isinagawang job fair ng PESO Pasay noong June 14 dahil nagkaroon agad ng 226 na aplikante na natanggap on-the-spot.


Kasunod nito, ipagpapatuloy ng Radyo Trabaho at PESO Pasay ang magandang partnership sa pamamagitan ng muling paglulunsad ng job fair.

 

Kabilang sa kanilang Top 10 vacancy position ay ang customer service, cashier, bagger, housekeeping, laborer, call center, factory worker, sales associates, service crew at barista kung saan magsasagawa rin ito ng orientation sa Jollibee sa susunod na linggo.

Facebook Comments