Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumatanggap ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno.
Paalala ng pangulo, huwag gamitin sa bisyo tulad ng alak at sabong ang matatanggap na P1,000 na financial assistance.
Mas mabuti aniyang gamitin na lamang ito sa importanteng bagay tulad ng pagbili pagkain at gamot sa mga bata.
Kung may mapapaulat naman na sumuway, tiniyak ng pangulo ang pagpapanagot sa mga ito.
Kahapon, inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1.8 bilyong pondo sa mga government agencies at LGUs na ipapamahagi naman sa mga nasalanta ng kalamidad sa Visayas at Mindanao.
Facebook Comments