MATATAPOS NA | DFA, nagpaalala sa mga undocumented OFWs sa Kuwait na mag-avail sa Amnesty Program

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga undocumented Filipino workers sa Kuwait na may 10 araw na lamang sila para makahabol sa ipinatutupad na “Amnesty Program” ng Kuwaiti government.

Magtatapos ang inalok na amnestiya ng Kuwait sa Abril 12 para maitama ng mga Pinoy workers ang kanilang status o makalabas roon nang hindi pinagmumulta.

Ayon sa DFA, maaaring magtungo sa konsulada ng Pilipinas sa Humaidi street sa Al Siddeeg Area sa South Surra, Kuwait ang mga nais humabol.


Kapag nakapagparehistro na, tatagal pa ng 10 araw ang pagproseso ng mga kailangang dokumento at clearance para sa programa.

Sa datos ng OWWA, tinatayang 251,000 dokumentadong OFWs ang nagtatrabaho sa Kuwait kung saan nasa 163,000 sa kanila ay pawang mga ‘household workers’.

Facebook Comments