Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang credit rating upgrade na A-minus na iginawad ng Rating and Investment Information sa economic performance ng bansa.
Ito ang pinakamataas na rating na nakuha ng administrasyon.
Ayon sa pangulo, hindi lamang ito nagpapakita ng mataas na kumpiyansa ng mga investor sa ekonomiya ng bansa, kundi maging ang pag-angat sa pamumuhay ng mga ordinaryong mga Pilipino.
Bukod dito, makapagpapabawas din ito sa borrowing costs at makakagarantiya ng mas abot-kayang financing para sa pamahalaan, negosyo, at ordinaryong konsyumer.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na pakikinabangan ng bawat Pilipino ang papalakas na ekonomiya ng Pilipinas.
Facebook Comments