Target na ikasa ng Founder at CEO ng Top Rank Promotion na si Bob Arum ang match up nina World Boxing Association (WBA) Welterweight Champion Manny Pacquiao at World Boxing Organization (WBO) Welterweight titlist Terence Crawford sa Nobyembre.
Marami kasing nag-aabang sa paghaharap ng dalawang boksingero kaya’t desidido si Arum na plantsahin ang mega fight sa Nobyembre.
Matatandaang nilampaso sa ring ni Pacquiao si Keith Thurman para makuha ang WBA crown noong nakaraang taon.
Ayon kay Arum, posibleng idaos ang mega fight ng Pacquiao-Crawford sa bansang may mababang kaso ng COVID-19 gaya ng Saudi Arabia.
Facebook Comments