Material misrepresentation case na ihahain laban kay Alice Guo, agad hihilingin ng Comelec na ilipat sa NCR

Hihilingin ng Commission on Elections (Comelec) sa korte na ilipat agad ang kaso ng sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Kaugnay ito sa ihahaing misrepresentation case ng poll body laban kay Guo sa kaniyang inihaing certificate of candidacy noong 2022 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, plano na nilang opisyal na sampahan ang kaso sa korte at agad na hilingin na ilipat ito sa National Capital Region (NCR) sa halip na sa Tarlac.


Ipinaliwanag ni Garcia na kailangang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng bawat isa partikular na si Guo, ang mga testigo, at mga abogado.

Nanindigan pa ang Comelec chair na hindi isang Pilipino si Guo mapa-natural-born man o naturalized.

Sinang-ayunan din ng Comelec ang findings ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtugma ang fingerprint ng dating alkalde sa Chinese national na si Guo Hua Ping.

Facebook Comments