MATERIAL RECOVERY FACILITY SA BAUTISTA, ININSPEKSYON NG DENR

Ininspeksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Material Recovery Facility (MRF) sa bayan ng Bautista sa kasabay ng courtesy visit ng Environmental Monitoring Officer.

Kasama sa pagbisita ang pagtingin sa kalagayan at operasyon ng MRF, kabilang ang mga gawain sa waste segregation at recycling.

Kaugnay nito, bumisita rin ang opisyal sa lokal na pamahalaan upang palakasin ang koordinasyon ng dalawang tanggapan, lalo na sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan at solid waste management ng bayan.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang LGU Bautista sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan upang mapalakas ang mga programang nagtataguyod ng mas malinis at mas ligtas na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments