MATERIAL RECOVERY FACILITY SA BUGALLON, NATAPOS NA

CAUAYAN CITY- Natapos na ang P48 libong halaga ng Material Recovery Facility sa Brgy. Bugallon sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Sandy Ambatali, labing apat na Material Recovery Facility ang ipinatayo sa kanilang barangay.

Aniya, layunin ng proyekto na mapanatili ang kalinisan ng kanilang lugar kung saan ilalagay ang mga ito sa mga harap ng tindahan at mga bakanteng lote.


Bukod sa pagpapatayo ng mga MRF para mapanatili ang kalinisan sa kanilang lugar ay nagsasagawa rin sila ng clean-up drive tuwing Sabado kung saan mandatoryo ang pagdalo rito.

Facebook Comments