Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Navotas na bukas na sa publiko ang maternity at operating room (OR) ng Navotas City Hospital simula ngayong araw, February 20, 2023.
Ito’y matapos ang ginawang pagsasa-ayos para mas mapaganda pa ang serbisyo ng nasabing ward ng hospital.
Inabisuhan ngayon ang mga pasyente na maaari na silang magpa-schedule kung saan ang iba naman na nagtungo sa Tanza Lying in Center at sa Tondo Medical Center ay pinapayuhan na kunin ang medical records kung nais nila sa Navotas City Hospital.
Maari rin tumawag sa hotline number na 8374-3463 o magpadala ng mensahe sa Navotas City Hospital Facebook page kung may ilang mga katanungan.
Matatandaan na inabot ng tatlong linggo ang pagsasa-ayos sa Navotas City Hospital para mas makapaghatid pa ng mataas na kalidad ng serbisyo sa publiko ang mga kawani nito sa tulong ng lokal na pamahalaan.