Aabot na sa P70,000 ang maximum maternity financial assistance na maaaring ibigay ng Social Security System (SSS) simula sa Enero 2020.
Ito ay kasunod ng implementasyon ng Republic Act no. 11210 o Expanded Maternity Leave Act at ng SSS Act of 2018.
Paliwanag ni SSS President and CEO Aurora Ignacio, tumataas ang SSS benefits na makukuha ng mga miyembro dahil rin sa ipinatutupad na bagong minimum at maximum monthly salary credit.
Nabatid na dati ay aabot lang sa P32,000 ang natatanggap na maternity benefit ng isang ina.
Sabi pa ni Ignacio, magmula nang maipatupad ang Expanded Maternity Leave Act, umabot na sa higit 122,000 ina ang nakapag-avail ng dagdag-benepisyo na katumbas ng P2.67 Bilyon na maternity benefits.
Facebook Comments