MATERNITY LEAVE | Extended maternity enactment, katanggap-tanggap ng grupong FFW

Manila, Philippines – Tanggap ng Federation of Free Workers (FFW) ang pag-apruba ng Congressional Bicameral Conference panel ng 105-araw na bayad na maternity leave para sa mga kababaihang manggagawa sa gobyerno man at sa pribadong sectors kung saan patunay lamang umano ito na nangangalaga ang lipunan.

Ayon kay Federation of Free Workers President Atty. Sonny Matula maging ang ibang labor unions sa ilalim ng Federation of Free Workers (FFW) ay tanggap din ang naturang panukala ng Senate Bill No. 1305 at House Bill No. 4113 na kinikilala na ang pangangalaga ng bata ay hindi solong responsibilidad lamang ng isang ina.

Paliwanag ni Matula na ang panukalang consolidated version ng lehislasyon ay pinapayagan ng pitong araw sa loob ng 105 araw na maternity leave na maaaring ilaan para sa paternal leave, habang ang karagdagang 15 araw na bayad na leave ay pupwedeng gamitin ng single mothers.


Dagdag pa ni Matula na ang aprubadong panukalang batas ay halos doble ang benepisyo sa ilalim ng SSS law kung saan ay katanggap-tanggap at nasusunod ang ating batas alinsunod sa kasalukuyang international law organization at ASEAN standards.

Facebook Comments