Inaasahang makikinabang ang mga residente sa bayan ng Lingayen at Binmaley sa libreng ‘tambak’ o materyal na nakukuha mula sa pagdadraga sa mga kailugan sa Pangasinan.
Ayon kay 2nd District Representative Mark Cojuangco, may kasunduan na katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan upang gawing posible ang pagtatambak sa mga lugar sa dalawang bayan na nangangailangan nito.
Nakalaan ang tinatayang 13 million cubic meters ng tambak ang paghahatian ng dalawang bayan.
Mungkahi ng opisyal ang pagkakaroon ng partikular na lugar na may stockpile ng libreng tambak para sa mga mangangailangan.
Ang naturang hakbang ay bahagi pa rin ng River Restoration anD Flood Management Program sa lahat ng kailugan sa lalawigan.
Kaugnay nito, nauna nang inihayag ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagsisimula ng dredging at desilting sa Limahong River Channel sa Lingayen at Nayum River sa Dasol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









