“Amin lang kasi ito, family matter ito.”
Ito ang buwelta ng aktres na si Matet De Leon sa mga taong na nagbibigay ng kanilang opinyon tungkol sa isyu nilang magkakapatid at sa kanilang ina na si Nora Aunor.
Ito’y matapos mag-comment ang isang netizen sa ipinost ni Matet na larawan nila ni Ian De Leon na “Sana kayo na lang gumawa ng paraan, kausapin niyo mama niyo in private.”
Nag-ugat ang komento matapos sa hindi pagpunta ni Ian sa kaniyang birthday party na inorganisa ng kaniyang inang si Superstar Nora Aunor.
Iginiit ni Matet, nakapag-usap na sila kasama ang kanilang ina at walang makakaalam kung anong pinag-usapan nila.
Dagdag pa ni Matet, dahil sa mga nakikialam, mas lalong gumugulo at hindi kami ang naglabas nito sa publiko, sumabog na lang kaya sumasagot na kami.
Samantala, nagpahayag din ng saloobin ang kapatid ni Matet na si Lotlot De Leon sa nasabing isyu.
Ayon kay Lotlot, sa mga nanghihimasok na alamin ang buong kuwento at huwag manghuhusga.
Base rin sa kanyang post, sinabi nito na nakakapagod na.