Kamakailan ay nagsama-sama ang mga kinatawan mula sa mga bansang Australia, Cambodia, Indonesia, Japan, Malaysia, Myanmar, Taiwan, Thailand, Vietnam, at Philippines sa naganap na Philippine International Mathematical Olympiad sa Cebu City.
Dito ay nagtagisan ang mga estudyanteng kalahok sa pag solve ng mga mathematical problems.
Sa team Philippines, ang mga estudyante mula sa Don Ramon E. Costales Memorial National High School sa bayan ng Villasis ang nagtaas ng bandila hindi lamang ng ating bansa kundi lalo na ng kanilang bayan.
Tagumpay na naiuwi nila ang mga Math Wizards honors gaya na lamang ng Gold Medal ng Grade 12 na si Valerie Pauleen G. Ragasa at Gold Medal ni Raphael James M. Flormata na isang Grade 10 student.
Maliban dito ay nakapag-uwi rin ng tatlo pang Silver Medals, limang Bronze Medal at apat na Medal Merit ang mga estudyante mula sa naturang paaralan.
Ang tagumpay na ito ay patunay lamang na kayang kayang makipagsabayan ng mga estudyanteng Pilipino sa mga international competition na nagpapamalas ng kanilang dunong sa iba’t ibang larangan kagaya na lamang ng tagisan sa talino sa Mathematics. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









