MATIBAY ANG EBIDENSYA? | Bureau of Customs, nanindigan sa kasong isinampa sa DOJ kaugnay ng 6.4-billion shabu shipment

Manila, Philippines – Nanindigan ang Bureau of Customs (BOC) sa kasong isinampa nila sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga responsable sa P6.4-billion shabu shipment mula China.

Iginiit ng BOC na may matibay ang kanilang katibayan na may nangyaring paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) in relation to Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Kabilang sa respondents sa kasong isinampa sa DOJ sina Philippine Hongfei Logistics Group of Companies Inc. chairman Chen Ju Long, alyas Richard Tan o Richard Chen, sinasabing customs fixer Mark Ruben Taguba II, businessman Kenneth Dong, Eirene May Tatad, may-ari ng EMT Trading at consignee of the drug shipment, Taiwanese nationals Chen Min at Jhu Ming Jyun.


Respondents din sina warehouseman Fidel Anoche Dee, customs broker Teejay Marcellana, at Manny Li.

Sa January 4 ng susunod na taon itinakda ng DOJ ang susunod na pagdinig sa nasabing kaso.

Facebook Comments