Matibay na alyansa ng PH at US, mahalaga para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region – Pentagon Chief

Importante para sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific region ang pagpapatibay ng security at defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang sinabi ng pinuno ng Pentagon kasabay ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Mutual Defense Treaty (MDT), ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na susuportahan nila ang isa’t isa sakaling may mangyaring pag-atake mula sa ibang bansa.

Ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin III, ang Pilipinas ay isang mahalagang kakampi at sovereign partner.


Pagtitiyak din ni Austin na susuportahan ng US ang Pilipinas sakaling atakehin ito ng isang banyagang bansa sa loob ng Pacific Region, kabilang ang West Philippines Sea.

Sa bilateral meeting ni Austin kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinag-usapan ang agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea at COVID-19 pandemic response.

Sa ilalim ng administrasyon ni US President Joe Biden, ang Pilipinas ay nakapag-donate na ng 5.5 million doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas at may susunod pa itong mga batch sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments