Ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas matibay pang relasyon sa pagitan ng pribado at pampublikong kolaborasyon para tugunan ang pandemyang nararanasan dahil sa COVID-19 at ang climate change.
Sa online event kagabi ng 2021 APEC Business Advisory Council Dialogue with Economic Leaders, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagpapabuti sa digitalization at karunungan sa mga rural na komunidad ang daan para sa national Social Protection Floor (SPF) at pagpapabuti ng ekonomiya.
Habang inilatag din nito ang kinakailangang imprastruktura para sa abot-kayang suplay ng enerhiya sa mga malayong komunidad.
Muli namang hinikayat ng pangulo ang mga mayayamang bansa na manguna sa paglutas sa krisis sa panahon tulad na lamang ng; paggawa ng climate finance, technology transfer and development at capacity-building.
Ang APEC ay binubuo ng 21 member economies at ilan dito ay ang Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, People’s Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, at Pilipinas gayundin ang Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, US at Vietnam.