Manila, Philippines – Matinding batikos ang pinakawalan ngayon ng Senator Panfilo Ping Lacson laban sa umano ay plano ng Kongreso na solong amyendahan ang konstitusyon para mabigyang daan ang Federalismo.
Sa post sa kanyang Twitter account ay binigyang diin ni Lacson na ang nabanggit na plano ay masahol pa sa baho ng isang linggong dumi na nagmumula sa isang kongresista na may sakit na colon cancer.
Reaksyon ito ni Lacson sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kung hindi magkakasundo ang Senado at Kamara sa planong Cha-cha ay gagawin nila ito ng solo.
Giit ni Lacson, isang katangahan na i-itsapwera ang Senado sa planong Cha-cha kahit pa ito ay sa pamamagitan ng constituent assembly, constitutional convention, o peoples initiative.
Facebook Comments