MATINDING INIT NG PANAHON SA DAGUPAN CITY, NARARANASAN SA KABILA NG EPEKTO NG BAGYONG BETTY

Nararanasan sa lungsod ng Dagupan City ang maalinsangang init ng panahon lalo sa kabila ng epekto ng Bagyong Betty.
Bunsod ng nararamdamang init ang naitalang 40 degree Celsius ng PAGASA Dagupan ngayong araw ng Lunes, May 29 sa oras na alas dos ng hapon.
Matatandaang magkakasunod na matataas na heat indices ang naitatala ng PAGASA na naglalaro mula 42 hanggang 45 degree Celsius.

Sanhi naman ng ganitong uri ng panahon ang pagtaas ng kaso ng nakakaramdam ng heat exhaustion at heat stroke, gayundin ang mataas ng tsansa ng dehydration kaya’t pinapayuhan ng otoridad ang lahat na bawasan muna ang mga physical activity, mamalagi sa mga preskong lugar at kung maaari ay huwag muna lumabas mula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Samantala, mga bandang alas tres ng hapon ngayon ay nagkaroon ng mga pag-ulan sa siyudad dahil sa maaaring epekto ng hanging Habagat. |ifmnews
Facebook Comments