Matinding kakulangan sa tubig na naranasan, posibleng maulit ayon sa Hydrometeorology Division ng PAGASA

Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat dam ngayong umaga.

Ito ay batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division.

Kanina, nasa 186.46 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam, malayo sa 200 meters na normal high water level ng nasabing dam.


Ayon sa PAGASA, sa katapusan ng taon, kapag hindi naibalik sa 200 meters ang lebel ng tubig sa angat ay posibleng sa susunod na taon ay maranasan muli ang kalulangan sa tubig sa Metro Manila at katabing lalawigan.

Kung maaalala, matapos maranasan na walang tubig sa gripo, dumarayo, nagpupuyat at bumibili ng drum container ang mga residente makapag-ipon lang ng tubig.

Facebook Comments