Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang aniya’y garapalang pagsisinungaling ng China kaugnay sa pinakahuling banggaan ng barko ng Chinese Coast Guard at Philippine supply boats sa bahagi ng West Philippine Sea.
Giit ni Castro, malinaw na ang pagharang at pagbanga ng Chinese Coast Guard ship sa ating barko na maghahatid ng supply sa Ayungin Shoal ay isang paraan ng panggugulo o panggigipit at paglabag sa ating sovereign rights.
Giit ni Castro, ang presensya ng China at mga aktibidad sa West Philippine Sea pati ang 9-dash line claim nito ay salungat sa 2016 Arbitral ruling.
Bunsod nito ay nanawagan si Castro sa Marcos administration na magpamalas ng malakas na paninindigan at pagtataguyod sa ating soberenya at pagprotekta sa ating pambansang intres laban sa unti-unting pagsakop ng China sa ating teritoryo.