Matinding opensiba laban sa BIFF, babala ni Pangulong Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-uutos niya ang all-out military offensive laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kung hindi na kaya ng mga local officials na supilin ang panibagong banta sa kapayapaan at seguridad sa Mindanao.

Matatandaang ilang miyembro ng BIFF ang umokupa sa isang public market sa Datu Paglas, Maguindanao.

Sa kanyang pagbisita sa Maguindanao, sinabi ni Pangulong Duterte na nagkakasa ang BIFF ng “full-blown terrorism” at nababahala siya sa seguridad ng mga sibilyan.


Nakiusap si Pangulong Duterte sa mga opsiyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), maging sa military at police officers na tulungan siya.

Kapag nagbigay na siya ng utos na magkasa ng matinding opensiba ay hindi na niya maaaring bawiin ito.

Dagdag pa ng Pangulo, na hihintayin din niya ang susunod na presidente kung ano plano niya para sa Mindanao.

Iginiit ng Pangulong Duterte na hindi dapat magpatuloy ang mga ganitong karahasan at mahal niya ang mga Kristiyano at Muslim.

Facebook Comments