MATINDING PAG-ULAN, INAASAHAN SA PANGASINAN; PDRRMO, HANDA NA SA BAGYONG “UWAN”

Inaasahan ang matindi hanggang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Pangasinan mula Nobyembre 9 hanggang 10 dulot ng Bagyong Uwan (Fung-Wong), ayon sa PAGASA.

Tinatayang aabot sa 200mm ang ulan sa loob ng 24 oras, na maaaring magdulot ng baha, pagguho ng lupa, at storm surge, lalo na sa mga mababang lugar at coastal barangays.

Bunsod nito, pinapayuhan ang publiko na maging alerto at maghanda ng mga pangunahing pangangailangan sakaling kailanganing lumikas.

Ayon kay PDRRMO Operations Head Vincent Chiu, nakahanda na ang kanilang tanggapan para sa pre-emptive evacuation, deployment ng rescue teams, at pagtugon sa mga posibleng emerhensiya.

Nakaantabay din ang mga evacuation centers at relief supplies upang agad na matulungan ang mga maaapektuhang residente.

Patuloy ang koordinasyon ng PDRRMO sa mga lokal na pamahalaan at pambansang ahensya habang nananatiling posible na lumakas pa si Uwan at umabot sa Super Typhoon category.

Pinapaalalahanan ang lahat ng Pangasinense na manatiling alerto, mahinahon, at makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulan para sa kaligtasan ng bawat isa.

Facebook Comments