MATINDING PAG-ULAN | Olongapo, Occidental Mindoro at Pangasinan, isinailalim sa state of calamity

Ilang lugar pa ang isinailalaim sa state of calamity dahil sa patuloy na pagbaha dulot ng mga pag-ulang dala ng habagat.

Kabilang na rito ang ng Occidental Mindoro na nagkaroon pa ng mga landslide at pag-apaw ng mga ilog sa lalawigan.

Nasa state of calamity na rin ang Olongapo City, Zambales kung saan isa ang naitalang nasawi matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay habang isang bata ang nawawala.


Ayon kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino, 16 sa 17 barangay ang binaha sa kanilang lugar.

Isinailalim rin sa state of calamity ang buong lalawigan ng Pangasinan dahil sa matinding pagbaha.

Patuloy naman ang pakiusap ng *Provincial Disaster Risk Reduction Management Council* (*PDRRMC*) sa mga residente na lumikas na sa mas mataas na lugar kung magtutuloy-tuloy pa rin ang pag-ulan.

Facebook Comments