MATINDING PAGBAHA, PASAKIT UMANO PARA SA MGA TRICYCLE DRIVERS; KANILANG HANAPBUHAY, APEKTADO

Pasakit na umano ang mga Dagupeñong tricycle drivers na umaasa lamang sa pagpapasada para sa kanilang pang-araw araw na gastusin at ang iba sa kanila’y napipilitan na lang pumasada kahit pa maraming banta sa kalusugan ang tubig baha sa lungsod maging sa kanilang mga pampasaherong sasakyan.
Una umano ang mataas na lebel ng tubig lalo na kung may kaliitan ang minamanehong tricycle dahil prone ito sa pagtirik dahilan na hindi nito kaya ang current o ang agos o daloy. Pangalawa, ang piyesa ng kanilang mga tricycle, inaasahan na umano nila ang pagkalawang ng mga ito.
At ang pangamba nila sa banta nito sa kalusugan bilang hindi naman kaya ng bota ang lebel ng tubig baha kaya wala silang magawa umano kung hindi ang lumusong na lamang.

Pinayuhan naman ang mga ito na kung maaari lalo na sa mga taong may sugat sa paa at exposed o araw araw sinusuong ang baha ang pag-inom ng doxycycline na recommended naman ng Dagupan City Health Office. |ifmnews
Facebook Comments