Tuesday, March 31, 2026

Matinding pagtaas sa presyo ng presyo ng diesel sa Pilipinas, pinapaimbestigahan sa Kamara

Pinapaimbestigahan ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima sa House of Representatives ang matindiing pagtaas ng presyo ng diesel sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa na kapareho natin ay umaangkat lang din ng langis.

Sa inihaing House Resolution No. 914, ay binigyang diin ni De Lima na dapat matukoy agad kung ano ang rason na ang ating bansa ang pinaka-apektado ng pandaigdigang krisis ngayon sa langis.

Layunin ng hirit na imbestigasyon ni De Lima na matukoy kung may mga pagkukulang sa ating mga batas, pagbubuwis, pamamahala o mekanismo ng pagtugon ng gobyerno sa mga emergency.

Sa ikakasang imbestigasyon ay nais din ni De Lima na malaman kung patas at makatwiran ang presyuhan ng oil companies o nagsasagawa ba sila ng profiteering o sabwatan.

Ayon kay De Lima, dapat ding matukoy kung sapat ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 para proteksyunan ang publiko sa panahon ng pandaigdigang krisis at kung sapat ang umiiral na kapangyarihan ng ilang ahensya ng gobyerno para magbantay, mag-imbestiga at resolbahin ang hindi tamang presyuhan sa bansa.

Facebook Comments