Manatili na lamang sa bahay.
Ito ang mungkahi ni NCRPO Regional Director, Police Major General Debold Sinas sa mga residente ng Metro Manila.
Sa press briefing sa kampo karingal, sinabi ni Sinas na inaasahan nila ang pagbigat ng trapiko bukas, ang pagsisimula ng pagbabawal ng biyahe kaugnay sa implementasyon ng community quarantine.
Tukoy na ng NCRPO ang mga border na kanilang babantayan.
Simula bukas ay hindi na papasukin ang mga sasakyang bumabyahe galing probinsya.
Kung meron mang sasakyan na bibyahe ay dapat na nasa loob lang ng NCR.
Irerekomenda din ng NCRPO na magtalaga ng designated area kung saan dadaan ang mga sasakyan.
Facebook Comments