Matinding traffic sa Binondo, Maynila, asahan na ngayong araw — Manila-LGU

Asahan na ang matinding traffic sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila ngayong araw.

Ito ang paalala ng lokal na pamahalaan lalo na sa paligid ng ruta ng parada na magsisimula mamayang alas-4:00 ng hapon.

Partikular na inaabangan ng publiko ang float parade, dragon dance, at solidarity parade ng Filipino-Chinese Community.


Magsisimula ang parada sa Manila Post Office sa Magallanes Drive, pagkatapos ay kanan sa Jones Bridge, diretso sa Quintin Paredes Street, kanan sa Ongpin Street, kaliwa sa Salazar Street, kanan sa Benavides Street, kanan sa Soler Street, kanan sa S. Padilla Street, kaliwa sa Ongpin Street, kaliwa sa Alonzo Street, kaliwa sa Recto Avenue, kaliwa sa Regina Regente Street hanggang sa Lucky Chinatown.

Mahigpit din ang panuntunan ng Manila-LGU na walang papayagang pumarada na sasakyan sa mga ruta ng parada.

Facebook Comments