Isa si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa buong sumusuporta sa pagsailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa sa State of Calamity dahil sa COVID-19.
Diin ni Lacson, ito ay napapanahon, makatwiran at dapat suportahan ng publiko dahil ito ay daan para mapabilis ang paggamit ng mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan sa calamity fund at quick response fund.
Kaugnay nito ay iginiit ni Lacson sa mga local government officials ang matinong paggamit sa pondo para sa mga hakbang na tugon sa pagkalat ng COVID-19.
Umaasa si Lacson na walang magsasamantala sa pondo ng bayan sa gitna ng krisis na nangyayari ngayon dahil sa COVID-19.
Ipinaliwanag ni Lacson na kapag nasa State of Emergency, ay hindi na kailangan ng bidding sa pagbili ng gobyerno ng mga kagamitan at serbisyo.