Davao City – Mahigit sa limangdaang manlalaro mula sa ibat-ibang bansa sa Southeast Asia ang inaasahan lalahok sa 19th ASEAN Age Group Chess Championship na magsisimula sa June 16-27 at gaganapin sa unang pagkakakataon sa Davao City.
Ayon kay GM Jayson Gonzales, may pitong age categories ang Torneo na lalahukan din ng mga chess player mula India, China, Australia, New Zealand, Kazakhstan, Georgia, Turkmenistan at iba pang bansa mula sa dating USSR.
Bukod sa National Chess Federation of the Philippines at sa Philippine Sports Commission (PSC), todo rin ang suporta sa pinakamalaking chess event sa bansa ng Davao City Government sa pangunguna ni Mayor Sara Duterte.
Facebook Comments