Hindi sinang-ayunan ni National Policy Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez ang sentimyento ng publiko na “matira matibay” kasabay ng pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ng National Capital Region (NCR).
Ayon kay Galvez, mula sa kanyang obserbasyon ay sinusunod naman ng publiko ang protocols ng national government.
Sinabi pa ni Galvez na base sa kanilang pag-iinspeksyon sa mga shopping centers, iilan lamang ang nagpupunta sa mga mall dahil natatakot pa rin sa virus.
Kasabay nito, tiniyak ni Galvez sa publiko na nagtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Dagdag ng chief implementer na ang pag-shift ng Metro Manila sa GCQ ay makakatulong sa ekonomiya dahil milyun-milyong mga manggagawa ang matinding naapektuhan ng mahigpit na quarantine.