Naging matagumpay at mapayapa ang ginawang Barangay at SK Elections sa buong Maguindanao.
Malaki aniya ang naitulong ng Martial Law Implementation sa isla ng Mindanao resulta ng walang naitalang failure of election sa buong lalawigan ayon pa kay Provincial Election Supervisor Atty. Udtog Tago sa panayam ng DXMY.
Bagaman may mga naitalang mga insidente sa pagitan ng mga supporters ng mga kumakandidato at mga pagsabog hindi naman ito nakaapekto sa eleksyon giit ni Atty. Tago.
Pinasalamatan naman nito ang lahat ng mga guro na nagsilbing myembro ng electoral board, mga security forces na kinabibilangan ng military at pnp sa buwis buhay na pagsakripisyo para lamang maisigurong maayos ang eleksyon.
Sinasabing ang katatapos lamang na Eleksyon ang maituturing pinakamaayos na Eleksyon sa kasaysayan ng lalawigan dagdag ni Atty. Tago.