MATIWASAY NA PAGGUNITA NG UNDAS SA ILANG BAYAN SA PANGASINAN, PINAGHAHANDAAN NA

Kaliwa’t-kanan na ang paghahanda ng mga opisina ng gobyerno bilang garantiya sa ligtas at mapayapang pagdaraos ng Undas sa susunod na linggo.

Sa Lingayen, nagpulong na ang kapulisan ukol sa ipatutupad na plano at protocol sa kaayusan sa mga pampublikong lugar.

Bukod sa loob at labas ng nga sementeryo, babantayan din ang mga terminal at pook pasyalan na posibleng dagsain ng mga magsisiuwi.

Samantala, hinikayat naman ang mga manlalako na nais magrenta ng stall malapit sa sementeryo sa Mapandan dahil sa inaasahang buhos ng bisita na tatangkilik sa iba’t-ibang produkto.

Layunin nitong makapagbenta ng legal at maayos ang mga manlalako sa kabila ng daing ng ilan na pahirapang mabawi umano ang puhunan na pinambayad sa permit.

Dagdag pa rito, handa nang gamitin ang bagong palikuran sa loob ng sementeryo sa Calasiao para sa mga bibisita. Puspusan din ang pagpipintura sa paligid ng pampublikong sementeryo upang maging maaliwalas sa paningin.

Patuloy na pinaiigting ng mga ahensya at tanggapan ang koordinasyon sa nagkakaisang layunin na tiyakin ang kaligtasan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments