MANILA – Pawang kasinungalingan ang mga ibinunyag ni Edgar Matobato sa Senado.Sa isang interview sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, na dati ng nasa ilalim ng witness protection program ng DOJ si Matobato simula noong 2013.Pero, kaduda-dida aniyang sinasabi nito dahil wala itong statement o affidavit na maipakita.Naniniwala din ito na scripted ang mga testimonya ni Matobato.Tinawag din na ni Aguirre na desperado na ang mga hakbang si Sen. Leila de Lima para ilihis ang atensyon ng publiko.Pero, iginiit ni Sen. De lima na si Matobato ang lumapit sa kanila para magpatulong dahil sa banta nito sa buhay.Samantala… minaliit ng liderato ng Kamara ang mga rebelasyon ni Matobato.Giit ni House Speaker Pantaleon Alvarez, isang “recycled witness’ si Matobato at hindi totoo ang presensya ng Davao Death Squad.Kumbinsido si Alvarez na ang tunay na layunin ni De Lima ay mapahina ang impact sa isasagawang imbestigasyon ng kamara sa pagkalat ng iligal na droga sa NBP noong siya ang kalihim ng DOJ.Pagtitiyak nito, may mga bagong witness silang hawak at tiyak na masusorpresa ang lahat sa gagawing inquiry ng kamara sa susunod na linggo.
Matobato, Tinawag Na Sinungaling
Facebook Comments