Cagayan- Hindi gaanong binigyang pansin ni Archbishop Sergio Utleg ng Tuguegarao City ang matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati sa Cebu na umano’y na-ugnay sa walong babae ang paring napaslang na si Mark Ventura.
Batay sa ulat ni Archbishop Sergio Utleg, Kasalukuyan pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Cagayan hinggil sa naturang pamamaslang kamakailan kay Father Mark Ventura at nagtitiwala na lamang umano sila sa kapulisan sa kung anuman ang magiging resulta ng kanilang imbestigasyon bagama’t may mga kumakalat na isyu base sa matrix na ipinalabas ng Pangulo.
Aniya, maaring may kaaway ang naturang pari subalit hindi umano nila matukoy kung sino ang mga ito at kung ano ang kanilang motibo.
Ayon pa sa Arsobispo, Tinitignan din naman umano ng PNP Cagayan ang lahat ng mga anggulo na pwedeng maging motibo sa pagpatay sa naturang pari kaya’t malaki umano ang kanilang tiwala sa isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan na sana’y mahuli na ang mga suspek maging ang mastermind sa pagpatay kay Father Mark Ventura upang makamit nito ang kanyang hustisya.