Matteo Guidicelli, ano kaya ang wish para sa 33rd birthday ni Sarah Geronimo?

80

Kasabay ng pagdiriwang ng 33rd birthday ng popstar royalty na si Sarah Geronimo ay biniro ito ng kaniyang asawang si Matteo Guidicelli na baby raw ang kaniyang wish.

Sa isang instagram post, ibinahagi ni Matteo ang video kung saan sumisigaw ng “babies” ang aktor kasabay ng pag-blow ni Sarah sa kaniyang cake.


Ipinagdiwang ni sarah ang kaniyang kaarawan sa isang restaurant kasama ang celebrity stylist na si Liz Uy at glam team ng singer.

Ikinasal sina Sarah at Matteo sa isang pribadong christian wedding ceremony noong Pebrero 1, 2020.

Facebook Comments