Matteo Guidicelli bisita sa Duyog Ramadan Symposium sa Maguindanao

Matagumpay ang isinagawang “Duyog Ramadhan Symposium on The Role of Young Women and Men in Peace Building and in Preventing/Countering Violent Extremism” sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Naging mas maningning ang aktibidad dahil sa pagiging bahagi ng aktibidad ng aktor na si Gianmatteo Guidicelli, Army Reservist at Peace advocate.

Ang 2 araw na aktibidad ay pinangasiwaan ng National Action Plan for Women, Peace, and Security (NAPWPS) na tinaguriang “Kalilintad sa Timpu nu Ramadan”.


Bahagi ito ng taunang Duyog Ramadan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Layunin nito na palaganapin ang pagkakaisa at rekonsilasyon para sa mga pamilyang na-displace bunsod ng armed conflict sa Shariff Aguak, Pagatin, Mamasapano, and Salibo (SPMS box).(Daisy Mangod)

Facebook Comments