Matteo Guidicelli, itinangging may nangyaring engagement sa kanila ni Sarah Geronimo sa Palawan

Pinabulaanan ni Matteo Guidicelli na nagpropose na ito ng kasal kay Sarah Geronimo sa katatapos lang nila na bakasyon sa Palawan nitong nakaraang Holy Week.
Ayon sa actor, masaya ang naging bakasyon nila ni Sarah kasama ang ilang mga malalapit na kaibigan.
Growing din daw ang relasyon nilang dalawa bagamat may mga pinagdadaanan tulad ng ibang normal na relasyon.
Sa Palawan ipinagdiwang ni Matteo ang kanyang ika-28 na kaarawan noong March 26.
Hindi kasama ni Sarah ang mga magulang.
Marami naman ang kinilig sa pag-duet nina Matteo at Sarah sa mga kantang “Forevermore,” “The Prayer,” at “Bakit Ngayon Ka Lang.”


Kasama rin ng dalawa sa bakasyon si Nico Bolzico, asawa ni Solenn Heussaff.


Facebook Comments