MATUTULOY KAYA? | Posibleng pagdating ni dating Customs Commissioner Nicardor Faeldon, pinaghahandaan ng Pasay City jail

Pasay City – Pinaghandaan na ng Pasay city jail ang inaasahang pagdating ni Dating Customs Commissioner Nicardor Faeldon.

Naglinis na ang mga kawani ng city jail dahil anumang oras dadalhin na si Faeldon upang ipiit.

Maging ang entrada ng city jail ay hinarangan narin ng mga police vehicle.


Pero hindi pa naman ganon kahigpit ang seguridad na pinapatupad sa bisinidad ng Pasay City jail.

Kahapon iniutos na ng senado na ilipat si Faeldon dito sa Pasay City jail pero ito ay naudlot dahil sa hindi malinis o unsanitary ang city jail at posibleng makasama ito sa kalusugan ni Faeldon.

Si Faeldon ay nakaditine sa senado simula pa noong Setyembre dahil sa pagtangging humarap sa pagdinig ukol sa tara system at paglusot ng 6.4 billion pesos na shabu galing sa China.

Facebook Comments